Thursday, October 4, 2012

Isang Panalangin Para sa mga Guro


Isang Panalangin Para sa mga Guro
Salin ni Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco

"Tagapagkaloob ng Lahat ng Kaalaman at Guro ng mga guro
Bigyan po Ninyo ng pagkalinga ang aming mga guro

Biyayaan Ninyo sila ng kahandaang
Linangin ang aming murang isipan
At huwag magsawa kapag di makahabol ang turuan

Pagpalain nawa ang kanilang mga pusong
Nagdiriwang sa tuwing kami'y nagwawagi,
At nag-aalo sa tuwing kami'y nadadaig

Pagkalooban Ninyo sila ng mahinahong pagtitiyaga
Sapagkat ang landas ng kaalaman ay hindi madali

Pagningasin Ninyo sa kanila ang maapoy na diwang
Nagpapaliyab sa kagustuhan naming matuto

Tulungan Ninyo silang makita ang galing sa bawat mag-aaral
Wala sa marka ang halaga kundi sa pananalig nila

Ikintal Ninyo sa kanila ang walang pagkauhaw sa karunungan
Ang bagong kaalaman at karanasan ay di dapat katakutan

Turuan po Ninyo silang masiglang abutin ang alapaap
Kasinsigla at kasintayog ng sarili naming pangarap

Pagpalain po Ninyo ang mga gurong nauna sa amin
Ang nagawa nila ay napapakinabangan pa rin

Tanglawan po ng Iyong mabuting halimbawa ang kaguruan

Upang makapagtayo sila sa pamamagitan ng kanilang pangungusap
Upang makapagmahal sila sa pamamagitan ng kanilang isipan
Upang makapagbahagi sila sa pamamagitan ng kanilang puso

Siya nawa." 




Ang ika-5 ng Oktubre ay itinakda bilang Pandaigdigang Araw ng mga Guro. Maligayang araw ng mga guro! 

http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/10/03/12/world-teachers-day-october-5

No comments:

Post a Comment